Ang tahanan ay ang unang paaralan para sa mga bata at ito ang unang laryo na ilalagay sa pagtatatag ng isang lipunan. Ang mga bata ay kinakailangang tuman sa buhay bago sila dalhin sa paaralan lalung-lalo sa kanilang asal at pananampalataya.

Kinakailangan din ang magkatuwang na puwersa ng nanay at tatay upang mapalaking mabuti ang mga anak. Ito'y nangangahulugang dapat maglaan ng sapat na oras at panahon ang dalawang magulang para sa bata. Nararapat na magsimula sa tahanan ang tamang edukasyon, asal at disiplina upang maging mabuti at kapakipakinabang na mamamayan ang mga bata.
Kung ang isang bata ay lalaking disiplinado at maprinsipyo, siya ay magiging inspirasyon at magiging marangal na ehemplo sa iba kaya napakalaking papel ang ginagampanan ng responsableng pagiging magulang. Nakabatay sa tamang pag-aaruga angt kaunlaran at kahihinatnan mg isang bansa.
References:https://www.google.com.ph/search?rlz=1C1CHBF_enPH804PH804&biw=1366&bih=657&tbm=isch&sa=1&ei=1cEFXJOGL4yvoASdvp_ADQ&q=children&oq=children&gs_l=img.3..0i19l10.10351.14190..14433...0.0..0.107.732.7j1......2....1..gws-wiz-img.....0..35i39.dR9pmKLKtJQ#imgdii=qZoncPnCOlFMeM:&imgrc=uu9oUND519jUnM:
No comments:
Post a Comment