Sunday, October 21, 2018

Ang guro ay walang kapantay, bawat turo niya sa kabataan ay may saysay.



Resulta ng larawan para sa gurong pilipino: turo mo, kinabukasan ko       Ang temang "Gurong Pilipino: Turo Mo, Kinabukasan Ko" ay ang tema para sa "National Teachers' Month" ngayong taong 2018. Ito ay nagbibigay ng pugay sa kontribusyon ng mga gurong Pilipino sa kinabukasan ng kanilang mga estudyante, sa kabila ng mababang pasahod at kaunting benepisyo na natatanggap nila bawat buwan. Ang ating mga guro ay may kanya-kanya mang estilo sa pagtuturo ng mga aral at konsepto sa kanilang estudyante, ngunit sa huli, iisa lang ang kanilang layunin. Ito ay ang mapausbong ang kaalaman ng kanilang mga estudyante, hindi lamang sa teknikal na mga kaalaman kundi pati sa kabutihang asal na mababaon nila hanggang sa kanilang paglaki. 

        Habang tayo ay mga estudyante pa lamang, lasapin natin ang mga sandali na tayo ay may mga guro na handang umantabay sa atin bilang ating mga pangalawang magulang. Malaki ang papel nila sa ating buhay habang tinatahak natin ang landas ng pagiging estudyante na laging handang tumanggap ng mga kaalaman. 

        Nawa'y nakatulong ito sa paggawa ng iyong salaysay. Sigurado ako na marami ka ring mga ideya kung paano nakakatulong sa iyo at sa iyong kinabukasan ang iyong minamahal at ginagalang na guro. 

References:
https://brainly.ph/question/1814031
https://brainly.ph/question/1846878


No comments:

Post a Comment